Linggo, Pebrero 17, 2013

02/14/13 "Araw Ng Mga Puso"

 Araw ng mga puso, Nang umaga ay pa-easy-easy lang ako , nakikipagkwentuhan wsa pinsan ko't  nakikipaglaro na rin kasi wala naman kamingn pasok dahil dahil pagsusulit ngayon ng mga nasa ikaapat nan taon sa hayskul pero pagdating ng alasdos-madya ay umalis ako sa bahay namin at pumunta ako sa SM Masinag para bumile ng tublerone at bulaklak sa ibibigay ko kay bhesh, atalam ko namang alaskwatro siya uuwi dahil nagkatext kame kahapon at alam ko din naman na tumambay pa siya sa skul at nakikipagkwentuhan pa siya sa mga guro sa skul namin.
  Makalipas ang mga ilang minuto ko sa SM Masinag ay pumunta na ko sa nang skul para sunduin siya at maibigay na rin ang ibibigay ko sa kanya, tinextko ko siya kung nasan bbanda ba siya ng skul at reply niya sakin ay "andito ko bheshh sa SEF building, taas" edi pumasok ako at pinuntahan ko siya sa SEF building, naabutan ko pa nga siyang nakikipagkwentuhan kay Ma'am.Lui atnang medyo tumigil sila sa pagkekwentuhan aypumasok na ko sa eksena syempre, binati ko muna si Ma'am.Lui para hindi naman kabastosbastos yung pag-eksena ko at pagkatapos ay binigay ko na kay Lian yung toblerone at bulaklak sabay pumunta na rin si Ma'am.Lui sa susunod niyang klase at kame naman ni Lian ang nagkwentuhan,nag-usap at nagkulitan kaya naman alasingko na siya nakauwi sa kanila, syempre hinatid ko siya sa bahay nila at habang naglalakad kame pauwi ay tinanong ko siya kung gusto ba niya ng icecream sabi niya ay oo, kaya ko din naman siya niyaya ng icecream ay dahil alam kong paborito niya iyon at alam kong hindi niya tatanggihan yon at  kilala naman ako ng mag magulang niya eh, at pagkadating namin sa bahay nila ay sinabihan ko siya ng "I love you" at binawian niya naman ako ng "I love you too" sabay hinalikan ko siya sa pisnge at ganun din siya saken, hinalikan niya rin ako sa pisnge, pagkatapos ay nun ay umuwi na rin ako saamin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento