Filipino III
Teoryang Klasismo/Klasisism
Ang
layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa
pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang
daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga
salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
Teoryang Humanismo
v Ang
layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay
binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng
talino, talento atbp.
Teoryang Imahismo
v Ang
layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa
mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng
may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng
karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng
mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng
panitikan.
Teoryang Realismo
v Ang
layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng
may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa
totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng
may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.
Teoryang Feminismo
v Ang
layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang
pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling
matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag
babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang
katangian ng tauhan.
Teoryang Arkitaypal
v Ang
layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa
pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga
simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at
tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay
magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at
konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.
Teoryang Formalismo/Formalistiko
v Ang
layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot
gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi
ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa
mambabasa – walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi
humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.
Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal
v Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior
(pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang
akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng
panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.
Teoryang Eksistensyalismo
v Ang
layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o
magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang
pananatili sa mundo (human existence).
Teoryang Romantisismo
v Ang
layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o
sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at
mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng
isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa
tao o bayang napupusuan.
Teoryang Markismo/Marxismo
v Ang
layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay
may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng
pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang
mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo
para sa mga mambabasa.
Teoryang Sosyolohikal
v Ang
layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan
ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng
mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na
nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na
suliranin.
Teoryang Moralistiko
v Ang
layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa
moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din
nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o
kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan.
Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa
kaantasan nito.
Teoryang Bayograpikal
v Ang
layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng
may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa
buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap,
pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing
katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
Teoryang Queer
v Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung ang mga babae ay may feminismo ang mga homosexual naman ay queer.
Teoryang Historikal
v Ang
layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na
siyang masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais
din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng
mundo.
Teoryang Kultural
v Ang
layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi
nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at
tradisyon minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin
dito na bawat lipi ay natatangi.
Teoryang Feminismo-Markismo
v Ang
layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa
pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang
pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas
sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan.
Teoryang Dekonstraksyon
v Ang
layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa
tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na
walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang
pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao
at mundo.REFLEKSYON:
Ang mga teoryang pampanitikan ay makikita sa mga iba't ibang akda o kwento at ang mga ito ay may kanya-kanyang layunin.