Linggo, Pebrero 17, 2013

02/17/13

Nung kinaumagahan ay nagsimba kame ng Lola ko dahil kagabi ay tinanong ko siya kung magsisimba ba siya bukas at sabi niya ay oo, at dagdag ko pa ay gusto kong sumama kay Lola na magsimba  at pagkauwi ko ay binasa ko yung "History of Barbering" dahil iuulat namin  ito bukas at habang binabasa ko ito ay biglang pumunta ang lolo ko saamin at sabay sabi sakin na tulungan ko daw siyang  maghakot at magbuhat ng mga kawayan mula sa kabilang lote at ibabakod ko dito saten dahil sira na ang ibang parte ng bakod natin  sagot ko naman ay opo lang at sabay balik sa bahay nila ang lolo ko, makalipas ang panananghalian namin ay pumunta na kame sa kabilang lote para kunin ang mag kawayan na ibabakod ni lolo dito saamin.

02/16/13

Sabado, wala naman akong gaanong ginawakundi maglarobuong maghapon kasama ang pinsan kong lalake ngunit nang gabi na ay umuwi na ko samin apara manuod ng MMK dahil ito'y pinatakdang aralin saamin ni Gng.Mixto at para isang palabas lang ang papanoorin ng buong klase at hindi iba-iba dahil ang tiniatalakay namin sa Filipino ngayon say tungkol sa ribyu o pagsusuri sa isang pilikula o palabas.

09/15/13

Naging masaya ang araw ng mga puso para sakin kasi nakasama ko yung babaeng espesyal sakin pero ngayon ay nagkwentuhan kame ng pinsan ko kung anong mga nangyare kahapon, habang naglalaro kame ng "playstation2" at ang nilalaro namin ay ang paborito naming dalawa ang "Conflict Desert Storm", mahilig kasi kaming dalawa sa mga larong barilan at naging masaya rin naman daw ang araw ng mga puso para sa kanya dahilnakasama niya ng matagal ang kanyang kasintahan.

02/14/13 "Araw Ng Mga Puso"

 Araw ng mga puso, Nang umaga ay pa-easy-easy lang ako , nakikipagkwentuhan wsa pinsan ko't  nakikipaglaro na rin kasi wala naman kamingn pasok dahil dahil pagsusulit ngayon ng mga nasa ikaapat nan taon sa hayskul pero pagdating ng alasdos-madya ay umalis ako sa bahay namin at pumunta ako sa SM Masinag para bumile ng tublerone at bulaklak sa ibibigay ko kay bhesh, atalam ko namang alaskwatro siya uuwi dahil nagkatext kame kahapon at alam ko din naman na tumambay pa siya sa skul at nakikipagkwentuhan pa siya sa mga guro sa skul namin.
  Makalipas ang mga ilang minuto ko sa SM Masinag ay pumunta na ko sa nang skul para sunduin siya at maibigay na rin ang ibibigay ko sa kanya, tinextko ko siya kung nasan bbanda ba siya ng skul at reply niya sakin ay "andito ko bheshh sa SEF building, taas" edi pumasok ako at pinuntahan ko siya sa SEF building, naabutan ko pa nga siyang nakikipagkwentuhan kay Ma'am.Lui atnang medyo tumigil sila sa pagkekwentuhan aypumasok na ko sa eksena syempre, binati ko muna si Ma'am.Lui para hindi naman kabastosbastos yung pag-eksena ko at pagkatapos ay binigay ko na kay Lian yung toblerone at bulaklak sabay pumunta na rin si Ma'am.Lui sa susunod niyang klase at kame naman ni Lian ang nagkwentuhan,nag-usap at nagkulitan kaya naman alasingko na siya nakauwi sa kanila, syempre hinatid ko siya sa bahay nila at habang naglalakad kame pauwi ay tinanong ko siya kung gusto ba niya ng icecream sabi niya ay oo, kaya ko din naman siya niyaya ng icecream ay dahil alam kong paborito niya iyon at alam kong hindi niya tatanggihan yon at  kilala naman ako ng mag magulang niya eh, at pagkadating namin sa bahay nila ay sinabihan ko siya ng "I love you" at binawian niya naman ako ng "I love you too" sabay hinalikan ko siya sa pisnge at ganun din siya saken, hinalikan niya rin ako sa pisnge, pagkatapos ay nun ay umuwi na rin ako saamin.

02/13/13

Nung una ay iniisipko kung anong ididigay ko kay bhesh ko at syempre yung kakasya sa pera ko, Ngakausap pa nga kame ulit ni Nemuel kung anong mga gagawin namin bukas, Ang sabi niya ay haharanahin niya daw sa Mayamot National High School ang kasintahan niya dahil doon iyon nag-aaral at ako naman lalabas siguro kame pero ang iniisip ko ay pagsusulit nila bukas kaya parang alanganin, pero, sabi ko sa isip ko ay paborito niya naman ang tublerone  kaya yun nalang ang naisip kong ibigay sa kanya at may kasamang bulaklak.

02/12/13

Martes, okey naman, natural na araw dahil wala namang nangyaring kakaiba o bago, pasok sa eskwela, uwi, kain, tulog, tambay, ta laro. Pero kaming dalawa ni Nemuel ay nag-uusap o nagkwekwentuhan tungkol sa kung anong gagawin namin sa ika-14 ng Pebrero.

02/11/13

Kinaumagahan, syempre papasok sa eskwela, grabe nga yung nangyare sakin nitong araw na ito. Akalain mo! Nakatulog ako sa buong period ni Gng.Cabrera, hehe! At nang pagkatapos ng oras ni Gng.Cabrera ay ginising na ko ni Cervera, siya na rin bale ang nagkwento sakin ng buong pangyayari sa oras ni Gng.Cabrera, Pero habang natutulog ako sa oras ni Gng.Cabrera aysi Cervera naman ay todo takip sakin para daw hindi ako gaanong mapansin ni Gng.Cabrera, sabi niya sa akin at si Duro rin pala ay nakatulog sa oras ni Gng.Cabrera. At eto na, Nang nbakauwi na ko ay wala akong ginawa buong maghapon kundi matulog ng buong maghapon at nagising ako ng alasais, isang oras na gumawa ng gawaing bahay at gayun din sa mag takdang aralin at balik ulit sa tulog.