Lunes, Pebrero 25, 2013

Banyaga ni Liwayway Arceo

02/25/13

  Walang pasok sa eskwela kaya naman ay makakapagpahinga pa ko at makakagawa pa ko ng mga bagay na dapat ko nang gawin at tapusin lalo na sa mathematika dahil bukas ay pasahan na ng portfolio namin sa mathematika buti na lamangt ay natapos ko ito.

02/24/13

 Iniisip ko sanang magsimba mamayang hapon o gabi kaso hindi na ko natuloy dahil nagpatulong si lolo saakin na magbuhat o maghakot ng mga kahoy o troso ay kawayan mula sa kabilang lote namin, bumagsak kasi ang puno ng mangga doon at buong maghapon akong tumulong sa lolo ko kaya naman ay hindi na ko nakapagsimba kahit na alaskwatro kami natapos na maghakot ng mga kahoy dahil pagod na ako at masakit na rin ang katawan ko kaya ipinahinga ko nalamang ang aking sarili

02/23/13

 Huling parte para sa aming MTV na ginagawa ay ang pagrerecording nalang ng aming kanta, kaya pumunta kame sa bahay ni Gallardo para makapagrecording na maing kanta, tumagal nga lang ang aming pagrerecord sa bahay nila Gallardo gahil nagkukulitan pa kame at hindi pa kame kompleto pero ng kami ay nakumpleto na ay sinimulang na namin ang pagrerecording at pagkatapos naming magrecodr ay dinagdagan pa namin ng eksena ang aming MTV.

02/22/13

 Sa wakas ay natapos narin namin ang aming MTV na proyekto sa Edukasyong Pagpapahalaga, kahit medyo nakakainip ay natapos naman namin ng maayos ang aming dapat gawin.

02/21/13

 Nang pag-uwian sa eskwela ay hindi pa ko umuwi dahil magsisimula na kame sa paggawa ng MTV namen na ang alam ko ay proyekto namin ito sa Edukasyong Pagpapahalaga, kaya hapon narin kaming nakauwi  kasi gusto namin itong maklaro at matapos ng maayos.

02/20/13

 Pagkatapos ng klase ay hindi pa kame nagsiuwian dahil pinag-usapan pa namin ang gagawing MTV sa Edukasyong Pagpapahalaga, tumagal ang usapan namin hanggang  alauna pasado, akala ko nga ay magsisimula na kame sa paggawa ng MTV kasi pinadala na nila saaking yung camera pero hindi pa pal, pag-uusapan lang muna.

02/19/13

 Natuloy din ang balak naming magkasiyahan na magkakatropa, ang  dami nga nilang dalang mga pagkain pagpunta nila dito saamin lalo na yung manggang hinog, grabe ang lakas nilang kumain ng mangga at pagkatapos anilang kumain ng mangga ay dumeretsyo kame sa malapit na ilog dito samin, gusto pa nga nilang maligo kaso wala silng dalang mga pampalit, pagkatapos ng mga ilang minuto sa ilog ay bumalik na kame at pagkadating namin ulit sa bahay ko ay nagkainan na kame, lahat kame ay busog dahil sa mga  dala nilang mga pagkain, napasobra nga lang ang aming kasiyahan dahil alasais pasado na sila nakauwi sa kanilang mga bahay at pasok pa naman kame bukas.

02/18/13

 Nagkakayayaan ang tropa na gumala o di naman kaya'y magkasiyahan mamayang hapon, kasabay non ay nagtatanungan na sila kung sinu-sino ang mga sasama mamaya pero nang ako naman ang tinanong nila ay sabi ko ay oo, ok, sama ko kung tuloy tayo mamaya at ng oras na ng uwian sa paaralang pinapasukan ko ay tumambay muna ko dito at nakita ko ulit sila at tinanong ko kung tuloy pa ba tayo mamaya?  Ang sagot nila sa tanong ko ay hindi na raw, bukas nalang daw kasi kung ngayon ay oonte lang tayo at ang sabi pa ng iba ay may gagawin daw sila at ang iba naman ay hinde pwede, at dagdag pa nila ay "pero bukas ay pwede kame", sinang ayunan ko nalang ang napagdesidyonan ng tropa na ipagpabukas na nga lang ang gimik ng tropa.