Linggo, Marso 3, 2013

03/01/13

       T.L.E exhibit. Naging matagumpay naman ang aming ginawa sa T.L.E exhibit dahil nagawa naman namin ng maayos ang mga dapat naming gawin,kahit na maingay ay natapos kame sng walang problema at pagkatapos ay ng isa't kalahating orss ay tinawag kaming lahat ni Sir.Estipona at hininge niya ang mga listahan ng mga estudyanteng gumawa sa exhibit, kasabay non ay tinignan at sinuri niya ang aming mag gawa.
       Pagkatapos ng exhibit ay nag-ayos na kame ng mag upuang ginamit namin at umuwi na rin pero bago ako umuwi ng bahay namin ay tumambay muna kame malapit sa bahay ko at makatapos ng mga ilang mga minuto ng pagtambay ay nagsiuwian narin ang mga kaibigan ko na nakasabay ko sa pag-uwi.

02/27/13

    Miyerkules, Araw ng pag-iinterview sakin ni Ginoong.Inahid kasama ang ang ilang mga kaklase ko, kamuntikan pa nga kameng mapagalitandahil ayaw pa naming pumasok sa loob, Ayaw naman mauna ni Cervera dahil ang una dapat ay si Cerbo, ang kaso lang ay kumakain sa siya kaya si Cervera na nga lang ang nauna sa amin at ako ang susunod, kaya pagkatapos ni Cervera ay pumasok na ko sa loob at naupo nan para masimulan na ang interview, Mga nakalimang tanong pataas sakin si Ginoong.Inahid , Tungkol yunsa pamilya,buhay,sa paaralan,pulitika, balita sa Diyos at sa sarili ko. 
    Pagkatapos ko sa intreview aay tinanongko si Lian kung anong oras siya uuwi, sabi niya ay maya-maya pa daw mga bandang alasdos, hinintay ko nalng siya din siya para sabay na kameng umuwi tutal naman malapit na narin namang mag-alasdos pero bagokame makauwi ay may binile lang muna kame sa palengke para sa iluluto bukas nang tanghalian.   

02/26/13

  Pang-ikalawang beses kong magcanteener, kasama parin ang aking mga makukulit na kamag-aral.  Hindi na ko umuwi ng bahay para mananghalian, dito nalang ako kumain sa loob ng paaralan dahil uuwi pa ko ng bahay ay baka lampas alasdos na ko makarating dito sa paaralan at baka mapagalitan pa.   Nakakatuwa nga eh, lalo na yung isa kong kabarkada  na makikipag-usapsayo  tapos habang tumatagal yung usapan nyo, bigla mo nalang  mamamalayan na napunta na yung usapan niyo sa walang kwentang bagay at mang-aasar siya, pagkatapos magpapayawa siya pero siya din naman ang unang tatawa, at eto pa. Nang may nakita siyang avon magazine ay inisa-isa niya ang bawat pahina nito at pagkakita niya sa pahina ng mga pabango ay inisa-isa niya rin ito, lalo na yung may nakalagay na "rub bottle to try", at nang nakapili na siya ng pinakamabango para sa kanya ay nagulat kame dahil ikiniskis ba naman sa dibdib niya, kalokohan nga naman. At eto na , nagsimula nang magreses ang mga estudyante ng mga nasa ikaapat na taon sa hayskul, kahit na mabilisan ang aming trabaho sa pag-abot at pagbukas ng mga bote ng softdrinks ay wala paring tigil sa pag-aasaran ng dalawa kong kabarkada hanggang sa  matapos ang lahat ng estudyante sa kanilang reses.